Nag-abiso ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Manila sa mga kamag-anak na planong dumalaw sa kanilang piitan.
Sa inilabas na advisory ng BJMP-Manila, pansamantala munang walang paabot at non-contact visitation ngayong araw (May 24, 2022).
Ito’y upang magbigay-daan sa isang aktibidad na kinakailangan ang presensya ng lahat ng empleyado ng BJMP-Manila.
Kaugnay nito, inihayag ng BJMP-Manila na magbabalik ang operasyon ng paabot at non-contact, bukas, araw ng Miyerkules (May 25, 2022).
Dahil dito, humihingi ng pang-unawa at kooperasyon ang BJMP Manila sa mga indibidwal na may mga kamag-anak na inmate sa kanilang piitan.
Matatandaan na una nang pinayagan ng BJMP-Manila ang paabot at non-contact visitation ng mga Persons Deprived with Liberty (PDL) kung saan nakikipag-usap sila sa pamamagitan ng intercom sa booth na may glass barrier.
Ang bawat PDL ay may 15 minuto rin para makausap at makasama ang kanilang pamilya.