Non-disclosure agreement, pinipigilan ang gobyerno na ilahad ang presyo ng bakuna – Pangulong Duterte

Photo Courtesy: PCOO

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaaring ilahad ng gobyerno ang eksaktong presyo ng COVID-19 vaccines.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, tiniyak ni Pangulong Duterte na walang anomalya sa pagbili ng bakuna.

Paliwanag pa ng Pangulo, mayroong umiiral na non-disclosure agreement lalo na sa preliminary contract na nilagdaan ng gobyerno sa mga vaccine manufacturers.


Matagal na aniyang ginagawa ang paglalagda ng confidentiality clause sa supply agreement.

Dagdag pa ng Pangulo hindi maaaring ilahad ang presyo ng bakuna lalo na at nakikipagnegosasyon din ang manufacturer sa iba pang mga bansa na nais bumili ng vaccine supply.

Maisasapinal lamang ang vaccine supply deal kapag ni-review at inaprubahan na niya at ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang proposal.

Pagtitiyak din ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na malinis ang vaccine supply negotiations at walang bahid ng korapsyon.

Kailangan aniyang igalang ng gobyerno ang kasunduan dahil kung hindi ay mawawala ang integridad at kredibilidad nila sa mga drug manufacturers at posibleng mauwi sa wala ang vaccine supply deals.

Facebook Comments