Non-essential outbound travel, papayagan na muli simula October 21

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang non-essential travel ng mga Pilipino sa ibang bansa, simula Oktubre 21, 2020.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangan lang isumite ng mga babiyahe ang kanilang kumpirmadong roundtrip tickets, travel at health insurance ng mga gagamit ng tourist visa, immigration declaration kung saan kinikilala ang peligrong kaakibat ng pagbiyahe at negatibong Antigen test result na sinagawa sa loob ng 24 oras bago umalis.

Dapat namang sundin ng mga Pinoy outbound traveler ang guidelines ng National Task Force (NTF) para sa mga uuwing overseas Filipino.


Facebook Comments