Bumaba ng 3.88% ang non-index crimes sa loob ng tatlong buwan mula Hulyo hanggang Oktubre a- 8 ng taong kasalukuyan kumpara noong nakalipas na taon.
Ang nasabing datos ay mula sa Philippine National Police (PNP) Crime Research Analysis Center.
Ang mga non-index crimes ay mga paglabag sa espesyal na batas, kabilang ang crimes against women and children, illegal possession of firearms and drugs at iba pang krimen na hindi kabilang sa index crimes.
Base pa sa datos, ang Mindanao ang nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba sa non-index crimes na nasa 10.79% at 4 na porsyentong pagbaba sa total crime incidents.
Pagdating naman sa peace and order indicator o kabuuan ng index, focus at non-index crimes sa buong bansa, naitala ang 58,730 insidente sa loob ng nabanggit na panahon na mas mababa ng 4.41% sa 61,441 insidente sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.