Normal na power supply, posibleng sa Setyembre pa maibalik

Sa Setyembre pa inaasahang babalik sa normal ang suplay ng kuryente sa Luzon grid.

Ito ay ayon sa pagtaya ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Paliwanag ni Fidel Dagsaan, senior manager ng NGCP System Operations – posible kasing ma-delay ang pagpasok ng tag-ulan dahil sa El Niño.


Dahil dito, inaasahang totodo pa ang konsumo ng kuryente sa Luzon sa susunod na linggo dahil sa matinding init na posible namang magresulta ng pagnipis ng reserbang kuryente.

Kontento naman daw ang Department of Energy (DOE) sa naging performance ng energy sector noong halalan dahil hindi naman nagkaroon ng malawakang brownout at maayos na nairaos ang eleksyon.

Pero hiling ni DOE Undersecretary Wimpy Fuentebella – sana ay dumami pa ang magtayo ng mga power plants sa bansa.

Samantala, kahapon ng ala 1:48 ng hapon nang maitala ang pinakamitinding konsumo ng kuryente sa Luzon na umabot sa 11,245 megawatts.

Facebook Comments