Normal na suplay ng langis sa mga rehiyong apektado ng Bagyong Odette, target na maibalik sa susunod na linggo

Target ng Department of Energy (DOE) na maibalik sa normal ang suplay ng gasolina at iba pang poduktong petrolyo sa anim na rehiyong tinamaan ng Bagyong Odette sa mga darating na araw.

Sa ginanap na pagdinig sa House Committee on Transportation, sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad na operational na ang 26 na import terminal o daungan ng vessel para sa langis simula pa nitong Disyembre 22.

Nasa 45 naman sa 49 na distribution depot sa anim na rehiyon ang balik operasyon na rin.


Nangako naman ang DOE na agad tatapusin ang kanilang assessment sa susunod na linggo.

Wala rin aniyang problema sa LPG dahil lahat ng 24 na LPG refilling stations sa mga apektadong lalawigan ay operational.

Target naman ng 369 na nasirang gasolinahan mula sa kabuuang 1,676 stations na makabalik operasyon sa loob naman ng isang linggo.

Facebook Comments