North at South Korea, nagpalitan ng putok ng baril sa DMZ

Lalo pang tumindi ang tensyon sa pagitan ng North at South Korea matapos na magpalitan ng putok ng baril ang magkabilang panig.

Isang araw ito matapos na magpakita muli sa publiko si North Korean Leader Kim Jong Un na unang napaulat na kritikal matapos sumailalim sa isang operasyon.

Sa inilabas na pahayag ng South Korea, alas-7:41 kaninang umaga nang sunud-sunod na paputukan ng North Korea ang guard post ng South na matatagpuan sa Demilitarized Zone.


Gumanti naman ng dalawang putok ng baril ang South sa North Korea.

Walang naitalang sugatan sa insidente.

Facebook Comments