North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza – Pinaaaresto Na Ng Sandiganbayan Dahil Sa Kasong Paglabag Sa Anti-Graft

2

MANILA – Pinaaaresto na ng Sandiganbayan 1st Division si North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza.Ito’y matapos makitaan ng Anti Graft Court na may probable cause ang kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act laban sa Gobernadora.Bukod dito, nag-isyu rin ang Sandiganbayan ng Hold Departure Order (HDO) para hindi makalabas ng bansa si Mendoza.Ang kaso ay kaugnay sa illegal procurement ng diesel fuel na nagkakahalaga ng P2.4 Million mula sa gasoline station na pag aari ng kanyang ina noong 2010 nang walang public bidding.Sa record ng office of the Ombudsman, Inaprubahan ni Mendoza ang pag-release ng P2.4 Million mula sa pondo ng lalawigan para bayaran ang 49,526.72 liters ng krudo na ginamit sa isang road grader at apat na dump trucks para sa two-day road rehabilitation projects.Matatandaang naging kontrobersyal si Mendoza dahil sa madugong dispersal sa mga magsasaka sa Kidapawan na ikinamatay ng tatlong magsasaka.

Facebook Comments