X-Ray Operator Ng Ninoy Aquino International Airport – Positibong Kinilala Ng Matandang Biktima Ng Tanim Bala Scam

10

MANILA – Positibong kinilala ng Senior Citizen na nahulihan ng bala sa Ninoy Aquino International Airport ang x-ray operator na siyang umanong nangikil sa kanilang mag-asawa.Ito ay base na rin sa kuha ng closed circuit television camera o cctv na iprinisinta ng Aviation Security Group o AVSEGROUP.Ayon sa 76-anyos na si Salvacion Cortabista, ang mga x-ray operator ng Office for Transportation Security (OTS) na si Ferdinand Morales ang nagtangkang maningil sa kaniyal.Itinuri rin ni Lola Salvacion si OTS Personnel Fatti Dame go na kasabwat ni Morales.Narinig rin aniya niya si Morales na nagturo sa mga pulis na nasa bulsa ng kaniyang bag ang bala.Una nang sinabi ng pamangkin ni Lola Salvacion na si Fate Balago ang pagpaparinig ng mga tauhan ng paliparan na maglagay na lang ng P50,000 upang hindi na madelay sa kanilang byahe.Sinabi naman ni Public Attorney’s Office Chief Atty.Persida Rueda-Acosta, na nakita sa kuha ng cctv ang kakaibang kilos ni Morales at ang pagsenyas nito habang hinihintay nila ang pagdating ng mga pulis.Wala man na nakitang nagtanim ng bala sa lola, Iginiit ni Acosta na malakas pa rin ang ebidensya laban sa wheelchair attendant na si Nino Namba dahil ito lang ang kasama ng mag-asawa mula pumasok sa naia hanggang makita ang bala.

Facebook Comments