North Cotabato Governor mag palalakasin ang serbisyo medical

Nanumpa na bilang bagong Provincial Governor ng North Cotabato si Nancy Catamco.
Pinangunahan ang oath taking ceremony ni Judge Arvin Sadiri Balagot.

Naging bisita sa okasyon si Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol at mister ni Davao City Mayor Atty. Mans Carpio.

Bukod sa libong indibidwal , bisita rin sa pag-upo sa pwesto ni Governor Catamco ang mga katutubo ng lalawigan. Si Gov. Catamco ay kauna unahang IP Governor na naiahalal sa North Cotabato.


Sinasabing kabilang sa magiging prayoridad ni Gov. Catampo ang pagpapalakas pa ng pagbibigay ng serbisyo medical sa lalawigan. Inaasahang muli rin nitong bubuksan ang Airport sa bayan ng Mlang.
Patuloy naman ang paghimok nito sa kanyang mga kababayan ng patuloy na suporta .
Pic: from the FB PAGE of NAC

Facebook Comments