Nagbabala ngayon ang China at North Korea kay incoming US President Donald Trump.Ayon sa Beijing, ang polisiya ng Amerika sa isolation ay nagpalala lang sa economic crisis noong Great Depression.Kung maalala, sa gitna ng campaign period ay sinabi ni Trump na sisirain ang mga trade deals na pinasok ng Amerika para sa kaniyang “America first” policy.Habang ang North Korea ay nagbanta ng isang “nuclear state” ang haharapin ni Trump sakaling manghimasok sa kanilang bansa.Nanawagan ang hilagang Korea kay Trump na ibahin ang approach nito sa Pyongyang dahil hindi nila iiwan ang nuclear program.
Facebook Comments