Manila, Philippines – Aminado ang Dept. of Foreign Affairs na nababahala na ang Pilipinas sa patuloy na ballistic missile test ng North Korea.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Robespierre Bolivar, maari kasi itong makaapekto sa overflight sa Philippine Area of Responsibility.
Una nang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na naglalaro ng “dangerous toys” si North Korean leader Kim Jong-Un sa kanyang serye ng missile tests na nagpapalala sa tensyon sa Korean Peninsula.
tinawag din ng pangulo na ‘tarantado at ‘buwang’ si Un dahil sa plano nitong paglikha ng nuclear war sa Asya.
Kaugnay nito,tumanggi si Bolivar, na i-interpret ang pahayag ng Pangulong Duterte pero kung pagbabasehan aniya ang konteksto nito ay isa lamang itong “expression of concern”.
Una na ring iginiit ng Estados Unidos na huwag isama ang North Korea sa ASEAN meetings na ginagawa ngayon sa bansa.