North Korea, nag-isyu ng shoot-to-kill order para makontrol ang Coronavirus Disease

Photo Courtesy: Bangkok Post

Nag-isyu ng shoot-to-kill order ang North Korea para makontrol ang pagpasok ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa kanilang bansa mula sa bansang China.

Nabatid na isinara ng Pyongyang ang border sa China at inilunsad ang panibagong buffer zone na may layong isa hanggang dalawang kilometro sa Chinese border.

Ayon kay US Forces Korea (USFK) Commander Robert Abrams, nakabantay na sa lugar ang special operations forces ng North Korea para ipatupad ang shoot-to-kill order para pigilan ang contamination at pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa nakakahawang sakit.


Facebook Comments