Nadine Samonte, ipinagmalaki ang pagbebenta ng mga dried fish sa gitna ng COVID-19 pandemic

181
Photo Courtesy: @nadinesamonte | Instagram

Ipinagmalaki ng aktres na si Nadine Samonte ang kaniyang bagong business sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Sa Instagram post ni Nadine, sinabi niya na hindi niya ikinakahiya ang pagbebenta niya ng mga unsalted dried fish katulad ng daing, tuyo, danggit, sweet pusit, palad flakes at dilis na galing pa sa Masbate.

Aniya, sa panahon ngayon, kailangang maging madiskarte dahil marami sa mga Pilipino ang nawalan ng trabaho bunsod ng COVID-19.

Masaya rin siya sa kanyang simpleng buhay bilang ‘danggit at dilis queen’.

Facebook Comments