North Korea, pumalag sa pagdaong ng panibagong US submarine sa South Korea

North Korea – Inalmahan ng North Korea ang pagdaong ng panibagong US submarine sa South Korea.

Sa gitna na rin ito ng tensyon kung saan posibleng magsagawa ng panibago ring nuclear test ang North Korea lalo ngayong ipinagdiriwang ang 85th Founding Anniversary ng Pyongyang ngayong araw.

Napag-alaman na ang missile-armed na USS Michigan ang nakarating na sa South Korea at nakatakdang sumali sa puwersa ng warships sa pangunguna ng aircraft carrier na Carl Vinson.


Ang USS Michigan ay nuclear-powered submarine na mayroong 154 tomahawk cruise missiles at 60 special operations troops and mini-subs.

Una ng nagbanta ang North Korea na handa nilang palubugin ang mga barkong pandigma ng Amerika na nasa Korean peninsula sa pamamagitan lamang ng isang missile.
DZXL558

Facebook Comments