Inaprubahan ng United Nations Security Council Sanctions Committee na pagpapahintulot sa North Korean delegation na pumunta sa Vietnam sa susunod na linggo para sa nakatakdang summit nina U.S. President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.
Layunin ng pag-uusap ng dalawang lider na maisulong ang pagbubuwag ng nuclear weapons program sa Korean Peninsula.
Pero lumalabas sa mga umano ay confidential report ng U.N. Security Council na nananatiling “intact” ang nuclear at ballistic missile programs ng Pyongyang at pinatitibay pa nila ito upang hindi mawasak ng anumang military strikes.
Gaganapin ang summit nina Trump at Kim sa February 27 at 28.
Facebook Comments