Handa si North Korean Leader Kim Jong Un na makapulong muli si U.S. President Donald Trump upang makamit ang layuning denuclearization sa Korean peninsula.
Pero babala ni Kim – posibleng pumihit siya at ibahin ng kanilang “tatahaking landas” kapag ipinagpatuloy ng Washington ang sanctions at pagpre-pressure nito sa kanila.
Hindi naman malinaw kung anong ibig sabihin ng pahayag ni Kim.
Tumanggi namang magkomento ang White House hinggil dito.
Facebook Comments