World – Pinalitan na ng Indonesia ang pangalan ng karagatang sakop ng kanilang exclusive economic zone sa South China sea.
Ito’y bilang protesta sa patuloy na pag-angkin ng China sa mga pinag-aagawang isla sa lugar.
Ayon kay Indonesian Deputy Minister for Marine Sovereignty *Arif Havas Oegroseo *– imbes na ‘*South China Sea’*, tatawagin na nila itong *‘North Natuna Sea’*.
Layon aniya ito na ipakita sa ibang bansa kung anong teritoryo na ang kaninang dinaraanan.
Dagdag pa ng opiyal, isusumite nila ito sa United Nations at patuloy silang magbibigay ng ulat sa sitwasyon.
Una nang pinalitan ng Pilipinas na ‘West Philippine Sea’ ang pinagtatalunang teritoryo.
Facebook Comments