North-South Commuter Railway Project ng DOTr, sisimulan na!

Nakatakda nang simulan ang pre-construction ng proyektong North-South Commuter Railway (NSCR) sa katapusan ng 2022.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy Batan, sa February 2023 naman mag-uumpisa ang full-scale construction.

Sa oras aniyang matapos na ang konstruksyon ay magiging dalawang oras na lang ang biyahe mula sa Clark, Pampanga hanggang Calamba City, Laguna.


Dagdag pa ni Batan, may kapasidad ito na magsakay ng 350,000 passengers sa unang taon ng operasyon.

Matatandaang, Oktubre 6 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kontrata para sa naturang proyekto.

Facebook Comments