Pagbuo ng “unity ticket” para sa 2022 elections, pinaghahandaan ni VP Robredo

Inihayag ni Vice President Leni Robredo na pinaghahandaan na nila na bumuo ng “unity ticket” para sa halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Robredo, bagama’t wala pa siyang pinal na desisyon sa kandidatura ay ilalabas nila ito sa katapusan ng Setyembre o bago ang paghahain ng Certificates of Candidacy sa COMELEC.

Pero sa ngayon, hindi pa nila maasikaso ang tungkol dito dahil abala pa sila sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.


Matatandaang isa si Robredo sa napili ng opposition coalition na 1Sambayan bilang kanilang posibleng standard bearer sa 2022 elections kasama ni dating senador Antonio Trillanes IV.

Facebook Comments