Norwegian Citizen sa Alicia Isabela, Nakabangga ng Trabahador-Patay!

34

Alicia, Isabela – Patay ang isang trabahador matapos na mabangga ng minamanehong sasakyan ng norwegian  citizen kagabi sa Brgy. San Pedro, Roxas, Isabela.

Sa impormasyong ibinahagi ng PNP Alicia, kinilala ang nasawing biktima na si Mycle Barangay Sales, tatlumpu’t anim na taong gulang, may asawa, laborer, residente ng Bliss 2, Cabaruan, Cauayan City, Isabela

Kinilala naman ang suspek na si Thomas Andrew Khungland, limampung taong gulang, may asawa, isang Norwegian Citizen at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Paddad, Alicia, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Alicia, minamaneho umano ng suspek ang sasakyan nito patungong Cauayan City at nang makarating sa nasabing lugar ay aksidenteng nabangga umano nito ang biktima.

Itinakbo kaagad si Sales sa Manango Hospital para sa karampatang lunas ngunit binawian din ito ng buhay.

Ang sasakyan at driver ay dinala na sa Alicia Police Station para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments