Pintor sa Roxas Isabela, Arestado sa Bisa ng Warrant of Arrest!

27

Roxas, Isabela – Inaresto ng mga kasapi ng Roxas Police Station ang isang pintor sa bisa ng warrant of arrest sa Brgy. San Pedro, Roxas, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Christopher Salvador Candinosa, tatlumpu’t siyam na taong gulang, pintor at nakatira sa nabanggit na lugar.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property si Cardinosa na inihain ni hukom Fe Viray Alvaro ng 10th MCTC Roxas, Isabela.

Pansamantalang nakalaya ang akusado matapos makapaglagak ng kanyang piyansang nagkakahalaga ng tatlumpung libong piso (Php30,000.00).

Facebook Comments