Manila, Philippines – Inihayag ng pamahalaan na posibleng hindi ang Royal Norwegian Government ang maging referee na mamamagita sa gobyerno at sa New People’s Army sa oras na ilatag na ang Bilateral Ceasefire Agreement.
Ayon kay Government Chief Negotiator and Labor Secretary Silvestre Bello III sa briefing sa Malacanang, isa ang bilateral ceasefire sa mga paguusapan sa nalalapit na panunumbalik ng Peace talks.
Sinabi ni Bello, dahil sa nangyari sa Peace talks ng Revolutionary armed forces of the Colombia at Colombian Government na hindi naging maganda ang resulta kung saan ang Norwegian government ang tumayong referee.
Pero bukas naman aniya ang Switzerland, Canada, Australia at marami pang ibang bansa na mamagitan bilang Referee ng NPA at Gobyerno sa Bilateral Cease Fire.