NOSE-IN, NOSE-OUT POLICY | Anim na bus terminal sa Edsa, ipinasara ng MMDA

Manila, Philippines – Ipinasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang anim na bus terminal sa Quezon City.

Ito ay dahil sa kabiguan na sumunod sa ipinapatupad na “nose-in, nose-out policy”.

Ilan sa mga bus terminal na ipinasara ay ang DLTB Company, ALPS, Lucena Lines, dalawang terminal ng Raymond Transportation at Superlines.


Ayon kay MMDA Special Operations Supervisor Bong Nebrija, halos isang taon ang ibinigay nilang palugit para sumunod ang mga ito sa nasabing polisiya pero wala silang nakikitang pagsasaayos kaya at napilitan silang ipasara ito.

Sinabi naman ni MMDA Chairman Danila Lim, mananatili ang Closure Order hanggat hindi maipapatupad ng mga nasabing bus terminal ang “nose-in, nose-out policy” para hindi ito magdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.

Facebook Comments