Pang-e-espiya ang isa sa nakikitang motibo ng AFP Western Mindanao Command sa pagdaan ng Chinese warship sa territorial water ng Pilipinas nang walang paalam.
Ayon kay Wesmincom Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana, ayaw man nilang mag-speculate pero ito ang nakikita nilang intensyon ng China.
Matatandaang dalawang barkong pandigma ng China ang namataan sa sibutu strait malapit sa Tawi-Tawi noong Hulyo na nasundan ng tatlo pa ngayong Agosto.
Ayon kay Sobejana, bukod sa pinapatay ng warship ang kanilang automatic navigation system, hindi rin sila sumasagot sa tawag ng AFP.
Dahil dito, may reservations na aniya ang AFP-Wesmincon bago payagang dumaan sa territorial water ng bansa ang mga Chinese warship.
Bago dumaan, dapat aniya na may diplomatic clearance para hindi maalarma na may warship na sa teritoryo ng bansa.
Samantala, pumasok na rin ang Wesmincom sa trilateral agreement sa counterpart nito sa Indonesia at Malaysia para maglagay ng maritime command centers para mabawasan ang maritime crimes.