NOT ONLY ONCE, But Twice, PANLALALAKI ni Misis, Hindi KINAYA ni Mister

Hindi na kayang tiisin ni Mister ang sakit na kanyang nararamdaman, sa bawat yugto na sumagi sa kanyang bagabag-na-isipan ang ginawa sa kanya ng kanyang Misis.
Ayon sa pagsusumbong ni Mister sa himpilan ng pulisya, hindi lamang minsan, kundi dalawang beses niya umanong nadiscover na may karelasyong ibang lalaki ang kanyang Misis.
Si Mister ay kinilalang si Cho Paeng, edad 54 ng Barangay Sabang, Naga City.
Sa dalawang pagkakataong panlalalaki ni Misis, itong pangalawa ang hindi na kayang tiisin pa ni Mister. Sa halos mag-iisang taon na nilang paghiwalay, napag-alaman ni Mister na nitong nakaraang buwan lamang, nanganak si Misis…hindi si Mister ang ama at lalong hindi rin ang unang karelasyon noon pang year 2016…kundi anak raw ang bagong baby ng pangalawang lalaki –brand new na naman, ika nga – na karelasyon na naman pala ni Misis humigit-kumulang 10 buwan pa lang ang nakakaraan.
Si Cho Paeng ay ordinaryong manggagawa ng LGU. Hindi niya maubos-maisip na una niyang nalaman ang panlalalaki ng kanyang Misis na kinilalang si CARA, edad 40. Katrabaho lang pala ni Cho Paeng ang nadiskubreng kaniig ng asawang si CARA.
Naagapan naman ang sitwasyon, nagka-ayos si Mister at si Misis.
Hindi pa kalaunan, nabigla at muli na namang nadurog ang puso ni Mister…dahil nadiskubre niya na may karelasyon na namang bago si Misis. Ang bagong kalaguyo ni Misis ay kinilalang si Mark, mas bata ng hindi hamak kay Cara, mas malakas ng hindi hamak kay Cho Paeng.
Nang magkabukingan, iniwanan ni Misis si Mister; at tuluyan na siyang sumama at nagpakaligaya sa piling ng bago niyang lalaki.
Sa ngayon, plano ni Cho Paeng na magsampa ng kasong ADULTERY at CONCUBINAGE laban sa kanyang ‘style-JADE’ na asawang si CARA.
At habang pinag-iisipan pa ang susunod na gagawin, determinado si Cho Paeng na sundin ang mga hakbang na ginagawa ngayon ni LINO laban kay JADE hango sa sinusubaybayang teleseryeng “HALIK”.
Kasama nyo sa pagkalap ng mga maiinit na balita, RadyoMaN Paul Santos, Tatak RMN.

Facebook Comments