Notadong pusher, arestado sa buy bust

22

General Santos, Philippines – Arestado ang notadong drug pusher sa ginawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) -regional office 12 na pinangungunahan ni director Gil Cesario Castro sa Barangay Dadiangas West.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Johnny Dalandas y Mashod alias Johnny, 51, dispatcher, residente ng nasabing lugar; at Tirso Torres Y Aliviado alias Tirso, 42, driver, residente ng Bo. Obrero, Barangay Dadiangas North, Gensan.

Alas 2:30 ng hapon ang nasakote ang dalawa matapos silang nabilhan ng (1) sachet ng pinaniniwalaang shabu gamit ang P500.00 na buy-bust money.

Narekober din ang (6) pa na sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P15,000.00.

Si Dalandas ang sinasabing kasama sa drug watch list ng PDEA sa Gensan at matagal na ring minamanmanan ng nasabing ahensya.

Sa ngayon ay inihahanda na ang mga dukumentong gagamitan para sa pagsampa ng kaso laban sa dalawang suspek.

 

Facebook Comments