Bomba, sumabog sa Maguindanao

25

Maguindanao, Philippines – Isang Improvised Explosive Device o IED ang sumabog sa gilid ng national highway ng barangay Nabundas sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha sa probinsiya ng Maguindanao kahapon ng umaga.

Sa report ng Maguindanao Police Provincial Office, pasado alas sais ng umaga kahapon ng mangyari ang pagsabog.

Wala namang nasaktan o walang tinamaan dahil ng mangyari ang pagsabog ay walang dumaang sasakyan.

Inaalam pa ng PNP kung ano ang ginamit na sangkap sa pagpapasabog.

Kung sino ang ang kanilang target at kung sino ang grupong nasa likod ng pagpapasabog.

Facebook Comments