Epektibo kaninang alas-9:00 ng umaga ay inalis na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang notice to airmen o NOTAM kaugnay ng abnormalidad ng Bulkang Mayon sa Albay.
Kahapon, nag-isyu ng NOTAM ang CAAP sa harap ng pinaiiral na Alert Level 2 sa Mt. Mayon.
Sa NOTAM ng CAAP, pinaiiwas ang mga eroplano na lumapit sa bulkan dahil ang abo na ibinubuga nito ay mapanganib sa makina ng aircraft.
Una kasing kinumpirma ng PHILVOLCS ang nakita nilang lava sa tuktok ng Bulkang Mayon.
Ito ay palatandaana anila na ano mang oras ay maaring sumabog ang bulkan.
Facebook Comments