DALAWA PANG KASAPI NG ANAKPAWIS, SUMUKO SA PNP

Boluntaryo ring sumuko ang dalawa pang miyembro ng ANAKPAWIS sa PNP Rizal, Cagayan nitong Biyernes, Oktubre 7, 2022. Batay sa ulat, ang dalawang indibidwal ay kinilalang sina alyas Lito, 51 taong gulang, may asawa, trabahador; at Estong,73 taong gulang, may asawa, magsasaka; parehong mga residente ng Brgy. Mabbang, Rizal, Cagayan.

Sinabi ng dalawa na noong taong 2016, sinabihan sila ni aka Buting Adviento na mabibigyan ang bawat kapuspalad ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php5,000.00 mula sa Anakpawis na naging hudyat upang tumungo sila sa tanggapan ng DSWD sa Carig Norte, Tuguegarao City para makuha ang nasabing tulong.

Gayunpaman, sa halip na matanggap ang nasabing tulong, hinikayat sila ni Adviento na sumapi sa Anakpawis at inutusan silang isulat ang kanilang kumpletong pangalan, tirahan, at mga lagda sa form na ibinigay ng nasabing grupo hanggang sa napasali na sa organisasyon. Kaugnay nito, naisipan ng dalawa na sumuko sa mga otoridad sa tulong ng PNP Rizal.

Ipinapaabot naman ni PCol Julio Gorospe Jr., OIC ng PNP Rizal sa publiko na makipagtulungan sa mga kapulisan at sa kasundaluhan upang mapasuko ang mga natitira pang miyembro at suporter ng makakaliwang grupo.

Facebook Comments