NOTAM sa Bulkang Bulusan, Kanlaon at Taal, pinalawig pa ng CAAP

Pinalawig pa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Notice to Airmen (NOTAM) sa mga Bulkang Bulusan, Kanlaon at Taal.

Bunsod iyan ng nagpapatuloy na pag-aalburoto ng mga nasabing mga bulkan.

Ayon sa CAAP, epektibo pa rin ang NOTAM sa Bulkang Bulusan, Taal at Kanlaon mula kaninang alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng umaga bukas.

Ipinagbabawal pa rin ang paglipad ng mas mababa sa sampo hanggang 11,000 feet mula sa mga bulkan.

Pinapayuhan din ang lahat ng flight operators na iwasang lumipad sa mga nasabing bulkan hangga’t hindi pa inaalis ang notice to airmen para sa kanilang kaligtasan at kaligtasan ng mga pasahero.

Facebook Comments