Notice of termination para sa VFA naipadala na sa gobyerno ng Amerika – Palasyo

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na naipadala na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa US Government sa pamamagitan ng US Embassy ang notice of termination para sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Panelo na wala nang pangangailangan pang hintayin ng gobyerno ng Pilipinas ang magiging tugon dito ng Amerika.

Epektibo aniyang mawawalan ng bisa ang VFA pagkalipas ng 180 araw pagkatanggap ng US Government sa abiso.


Matatandaan na nagpasya ang pangulo na ibasura ang VFA dahil sa ilang kadahilanan kabilang na ang pagbabawal na makapunta sa Amerika ng mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na diumano’y nasa likod ng pagpapakulong kay Senator Leila De Lima.

Hindi rin nagustuhan ng pangulo ang aniya ay paghiling na pakawalan si De Lima, malinaw aniya na tahasan nang nahihimasok sa panloob na sistemang pang-hudikatura ng bansa ang Amerika.

Facebook Comments