NOTICE TO VACATE | GSIS, binigyan ng ultimatum ang Hotel Sofitel

Manila, Philippines – Binigyan ng ultimatum ng government service insurance system ang Hotel Sofitel na nasa ilalim ng Philippine Plaza Holdings Inc.

Ayon sa GSIS, halos dalawang taon nang may pagkakautang ang nasabing hotel sa renta ng lote na kanilang kinatatayuan.

Sinabi ni GSIS President at General Manager Jesus Clint Aranas, dalawang lote ng GSIS ang ginagamit ng Sofitel simula pa noong 2016 pero hindi pa rin nito nababayaran ang back rentals na aabot sa 80 milyong piso.


Dahil dito, naglabas na ng notice to vacate ang GSIS laban sa Philippine Plaza Holdings kaya at kailangan na nilang bakantehin ang nasabing lugar lalo na kung mabibigo silang magbayad ng renta.

Facebook Comments