Wanted sa Kasong Rape, Arestado

15

Cauayan City, Isabela- Natimbog na ang itirnuturing na Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng San Guillermo, Isabela matapos na isilbi ang kanyang warrant of arrest partikular sa kanyang lugar sa barangay Anonang sa naturang bayan.

Pinangunahan ni PCapt. Joseph Jonathan Binayug, Officer-in-Charge ng PNP San Guillermo ang pagsisilbi ng mandamiento de aresto sa akusado na kinilalang si Gil Peralta, 19 taong gulang, magsasaka at residente sa nabanggit na barangay.


Si Peralta ay nahaharap sa kasong rape sa pamamagitan ng sexual assault na kung saan ay may kaukulang piyansa na inirekomenda ang korte na nagkakahalaga ng Php200,000.00.

Nasa pangangalaga ng pulisya ang akusado at nakatakda itong ipasakamay sa court of origin.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansa.

Facebook Comments