Notoryus na Bomber patay sa operasyon ng Militar sa Maguindanao

66

Patay sa operasyon ng Militar ang isang suspected Bomber sa Rajah Buayan pasado alas 5 kahapon ng umaga.
Kinilala ang napatay na suspek na si Saidon Kabot Nilong, residente ng Lapu, Polomolok, South Cotabato, High Valued Target at sinasabing myembro ng AKP-Maguid Group bukod pa sa isinasangkot sa pambobomba sa Maguindanao .
Sinasabing nagkapalitan ng putok laban sa suspek at mga elemento ng 33rd IB at PNP bago pa man maihain sana ang warrant of arrest resulta ng kamatayan ng suspek habang isa sa mga kasama nito ay nakatakas.
Narekober mula sa area ang mga sangkap sa paggawa ng IED kabilang na ang mga bala ng M16 at kalahating sako ng fertilizer.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>


Facebook Comments