Notoryus na tulak ng droga, naaresto ng NBI sa Naga City

Naga City – Naaresto ng National Bureau of Investigation ang isang Notoryus na drug pusher sa Mabolo, Naga City.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, nadakip ang suspek na si Richard Estrella alyas Chabo sa mismong bahay nito sa bisa ng search warrant mula sa Iriga City RTC.

Nabatid na matagal nang nagtutulak ng iligal na droga ang suspect at nag-ooperate rin ito maging sa mga kalapit na bayan ng Naga City.


Narekover mula sa pangangalaga ng suspect ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, 1 calibre 38 na baril, ilang mga bala at drug money.

Nakadetine ngayon sa NBI Naga District si Estrella at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9156 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments