Nabalot ng naglalabaglab na apoy at makapal na usok ang pamosong Notre Dame Cathedral sa Paris, France.
Mabilis na kumalat ang apoy na nagresulta na ng pagbagsak ng tore at bubong ng simbahan.
Sinusubukan ng mga bumbero na kontrolin ang apoy at inilikas na ang mga taong malapit sa nasusunog na simbahan.
Ayon kay Interior Minister Laurent Nunez na walang naitalang nasugatan sa insidente pero hindi pa rin malinaw ang pinagmulan ng sunog.
Sa Twitter post, ikinalungkot ni French President Emmanuel Macron ang nangyari at kinansela ang kanyang address to the nation.
Ang cathedral ay itinayo noong 12th century o taong 1163 at itinampok sa classic novel ni Victor Hugo’s “The Hunchback of Notre-Dame”.
Isa ito sa UNESCO world heritage site na umaakit ng milyu-milyong turista kada taon.