Sagad na rin sa kapasidad ang Novaliches District Hospital sa Quezon City para sa mga pasyente ng COVID-19.
Isa lamang ito sa tatlong pagamutan na pinangangasiwaan ng Quezon City government na tumatanggap ng mga COVID-19 patient.
Hanggang kahapon, July 14, 2020, umabot na sa 4,537 ang confirmed cases ng COVID-19 sa Quezon City.
4,437 dito ay validated cases na nadagdagan pa ng 123 cases kung saan 1,694 ang active cases.
Nadagdagan naman ng 68 pang bagong recoveries para sa 2,483 na kabuuang bilang.
Nasa 260 naman ang bilang ng mga pumanaw na matapos madagdagan pa ng tatlong kaso.
Samantala, ang kabuuang 41 bed capacity ng HOPE 1 quarantine facility ay 40 na ang okupado ng COVID-19 positive at suspected patients.
Habang puno na rin ang HOPE 2 facility gayundin ang HOPE 3 na mayroon na lamang na 10 available beds.