Novavax at Serum Intitute of India, nag-apply na sa World Health Organization

38

Nag-apply na ng emergency use listing sa World Health Organization (WHO) ang COVID-19 vaccine maker na Novavax Incorporated at ang partner nito na Serum Intitute of India.

Ayon sa Novavax, nakatuon sila sa pagpapadala ng mga inisyal na suplay sa mga mahihirap at middle income na bansa.

Kasabay nito, nangako rin ang Novavax at Serum Institute na magbibigay ng mahigit 1 bilyong doses ng bakuna sa COVAX facility ng WHO.


Matatandaang kamakailan lamang na lumabas ang pag-aaral na epektibo ang Novavax laban sa Delta variant ng COVID-19.

Una na ring nakapagsumite ng regulatory documents ang Novavax sa India, Indonesia at sa Pilipinas.

Facebook Comments