Senator Pacquiao, bukas sa pagsasagawa ng Unity Talks

141

Bukas si Senator Manny Pacquaio na magsagawa ng Unity Talks na pangungunahan ng grupong 1Sambayan.

Ito ay matapos ideklara ni Senator Pacquiao ang kaniyang pagtakbo para sa pagkapangulo sa 2022 election.

Ayon sa senador, naniniwala siya na mahalaga ang pagkakaisa para sa kapakanan ng bayan.


Handa aniya itong makilahok sa unity talks para maging bukas ang isip ng lider ng bawat bansa na pahalagahan ang kapakanan ng mga mamamayan at hindi ang pansariling ambisyon.

Samantala, iginiit pa ni Senator Pacquaio na makikita sa pagkakaisa ang tagumpay.

Sa ngayon, wala pang anunsiyo ang grupong 1Sambayan sa kandidatong susuportahan sa darating na 2022 election.



Facebook Comments