Napatunayan sa final efficacy analysis mula sa Phase 3 clinical trial na isinagawa sa United Kingdom na ang Novavax vaccine ay 96.4% na epektibo laban sa COVID-19.
Bukod dito, lumabas din sa Phase 3 trial na 86.3% ang efficacy ng bakuna laban sa B.1.17 variant na unang naitala sa UK
Nasa 55.4% na epektibo lamang ang bakuna laban sa B.1.351 variant na unang natunton sa South Africa.
Ayon sa local distributor na Fabreco Life Sciences Inc. na maraming isinasagawang pag-aaral kung saan sinusubok na rin ang bakuna sa adolescents o 12 hanggang 17 years old, mga buntis.
Pinag-aaralan din ang potential use ng bakuna bilang booster kapag pinagtambal o combine sa iba pang brand ng COVID-19 vaccines.
Pinalawak din ng Novavax ang kanilang manufacturing capacity, katuwang ang iba pang partners tulad ng Serum Institute of India.
Target ng Novavax at Serum Institute na simulan ang delivery ng Covovax vaccines sa ikatlong kwarter ng 2021.
Itutuloy na ang Fabreco Life Sciences ang emergency use authorization (EUA) application nito sa Food and Drug Administration (FDA) .
Inaasahan ding ilalabas ang EUA ng bakuna sa United States, UK, European Medicines Agency, Canada, Australia, New Zealand, at Korea.
Ang Pilipinas ay lumagda sa isang supply agreement para sa 30 million doses ng Novavax COVID-19 vaccine nitong Marso.