November 8, ipinadedeklarang "Typhoon Yolanda Resiliency Day"

Manila, Philippines – Ipinapapasa na sa pagbabalik sesyon ng Kamara ang panukalang ideklara ang November 8 bilang “Typhoon Yolanda Resiliency Day”.

Ang panawagan ay kasunod na rin ng ika-apat na taong paggunita sa pananalasa ng Supertyphoon Yolanda sa Eastern Visayas.

Hiniling ni Committee on Revision of Laws Chairman Marlyn Primicias-Agabas na aprubahan na sa ikalawang pagbasa ang panukala sa pagbabalik sesyon.


Ang House Bill 6591 na inihain ni Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez ay layong alalahanin ang mga nagbuwis ng buhay at bigyang pagkilala ang mga volunteers na tumulong para sa reconstruction at rehabilitaion matapos sirain ng kalamidad ang maraming lalawigan sa Visayas.

Ang November 8 na gagawing Typhoon Yolanda Resiliency Day ay idedeklarang special non-working holiday sa Region 8 o sa mga lugar ng Tacloban City, mga probinsya ng Leyte, Biliran, Southern Leyte, Northern Samar, Western Samar, at Ormoc City sa Eastern Samar.

Facebook Comments