NOVEMBER 8 | Paggunita ng bagyong Yolanda, malapit na ideklara

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez ang suporta ng Senado na ideklarang special-non working holiday ang November 8 sa Eastern Visayas bilang paggunita sa pananalasa ng bagyong Yolanda noong November 2013.

Inaprubahan ng Senado ang kanilang counterpart bill sa ikatlo at huling pagbasa kung saan binibigyang pagkilala din ang mga ‘unsung heroes’ , mga biktima at mga tumulong para sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta noon ng Yolanda na yumanig hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo.

Pirma na lamang ng Pangulo ang hihintayin upang maging ganap na batas ito.


Sa ilalim ng panukala, walang pasok sa mga paaralan at trabaho tuwing November 8 sa Tacloban City, mga probinsya ng Leyte, Biliran, Southern Leyte, Northern Samar, Western Samar at Eastern Samar.

Mula 2014 ay sinimulan na gunitain ng mga taga Eastern Samar ang obserbasyon ng Typhoon Yolanda alinsunod na rin sa isang local executive order.

Noong Disyembre pa ng nakaraang taon naaprubahan sa Kamara ang ‘Yolanda Commemoration Day Bill’ na ini-akda ni Romualdez habang nitong Oktubre naman naipasa sa huling pagbasa ang Senate version o Senate Bill 6591.

Facebook Comments