Novo Vizcayano na Nanalong Miss Tourism Philippines 2019, Isasabak sa Miss Tourism World!

*Nueva Vizcaya- *Kakatawanin ni Bb. Hannah Buctayon bilang bagong Miss Tourism Philippines 2019 ang gaganaping Miss Tourism World sa ika-22 ng Septyembre sa Indonesia.

Nagbubunyi naman ang pamilya at mga Novo Vizcayano sa pagkapanalo ng beauty queen na tubong Diadi, Nueva Vizcaya.

Si Bb. Hannah Buctayon ay kinoronahan bilang Miss Tourism Philippines 2019 sa katatapos lamang na Miss Tourism Philippines 2019 sa Sentro Baler sa probinsya ng Aurora.


Siya ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Agricultural Business sa Nueva Vizcaya State University (NVSU) at isang black belter na kasalukuyang sekretarya ng Philippine Taekwondo Association (PTA).

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Nueva Vizcaya Gov. Carlos Padilla ay nakatakdang bigyan ng pagkilala dahil sa tagumpay ng kanyang kababayan na nagbigay ng karangalan sa bawat Novo Vizcayano.

Kung kaya’t todo suporta ang provincial government sa muling pagsabak nito bilang kinatawan ng Pilipinas sa bansang Indonesia.

Facebook Comments