Now Showing na!

Eto na! Palabas na ang isa sa napiling sagot sa ating usapan sa Kamo3 Q of the Day segment ng programang iFM KULITAN SA UMAGA na kung bibigyan mo ng “Movie Title ang Buhay Mo” in 3 words, ano yun?

Ang sagot ng ating Besfriend na si Bes Lorjenlie ay “BAKIT KAILANGANG UMIBIG?”, na mapapaisip ka talaga kung bakit nga ba? Bakit nga ba kailangang umibig kung nandyan naman ang pamilya, kaibigan at ang sarili na pwedeng paglaanan ng pagmamahal. Bakit kailangan pang umibig sa isang tao na hindi mo naman alam kung may maganda ba itong kahahantungan. Yan marahil ay malaking katanungan ng lahat sa atin sa ating mga sarili.

Abangan ang mas marami pang topic na talagang makakarelate ka BestFriend kada araw ng Martes, Huwebes at Sabado sa iFM Kulitan sa Umaga, 6-9AM kasama sina Boom Tere at Josh Dado.


Facebook Comments