NPA ANG RECUITER NG NPA HINDI ANG DAGAMI – CITA MANAGUELOD

Cuayan City, Isabela – “Oo nagre recruit ako, inaamin ko…pero sa DAGAMI at PISTON at hindi sa NPA.” Ito ang mariing pahayag ni Miss Cita Managuelod, tagapangulo ng Danggayan dagiti Mannalon iti Isabela kaugnay sa bintang na isa siya sa mga rectuiter ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)

Muling naungkat ang sinasabing koneksiyon ni Managuelod at ng mga organisasyong kinaaniban nito sa komunistang pangkat matapos isiwalat ni Gerry Gangan na siya ang nag rectuit sa kanya na maging kasapi ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) at minobilisa sila sa mga rally. Ang PISTON ay organisasyon at samahang nagsusulong sa kagalingan at interes ng mga tsuper at operator sa bansa.

Ayon sa testimonya ni Gangan, ang nahuling kasapi ng NPA, si Managuelod mismo ang naghatid sa kanya sa Sto. Niño, Cagayan noong sumampa siya bilang opisyan na kasapi ng Bagong Hukbong Bayan. Sa buweta naman ni Manguelod, aminado siyang naging kasamahan nila si Gangan sa mga pagkilos ngunit nagpaalam umano ito na uuwi sa kanilang baryo para mag asawa. Mula noon ayon pa sa tagapangulo ng progresibong grupong DAGAMI, hindi na sila nagkita at wala narin umano siyang balita dito kaya nagulat nalang ito ng biglang lumitaw si Gangan at sinasabing ni recruit siya sa NPA.


Giit pa ni Managuelod, lehitimong organisasyon ang kanilang grupo at patunay dito ang kanilang SEC Registration number 138489 na ipinagkaloob mismo ng pamahalaan. Tinawag pa nitong sirang plaka ang kasundaluhan sa paulit ulit siyang iniuugnay sa NPA. Wala umano siyang kailangang linising pangalan dahil wala naman umanong kasong naisampa sa kanya.

Hinamon pa ni Managuelod ang kasundaluhan na magpakita ng ebidensiya laban sa kanya. Binanatan pa ni Managuelod na walang kredibilidad ang 5th Infantry Batallion Ohiliooine Army sa pag uugnay sa kanya sa hanay ng NPA.

Facebook Comments