NPA at 4 Milisyang Bayan, Nabigyan ng E-CLIP Assistance- 86th IB!

Cauayan City, Isabela- Naipagkaloob na sa isang (1) dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at apat (4) na Milisya ng Bayan ang kanilang ayuda mula sa pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integrartion Program (E-CLIP) sa Provincial Capitol, Brgy San Marcos, Cabarroguis, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa 86th Infantry Battalion, 5ID, Philippine Army, nasa halagang Php115,000.00 ang natanggap ni Ka Steve ng Kilusang Larangan Guerilla – Quirino Nueva Vizcaya habang ang apat na MB ay nakatanggap ng tig Php15,000.00.

Malaki ang naging pasasalamat ni Ka Steve dahil natanggap na ang kanilang hinihintay na livelihood assistance upang makapag simula muli ng kanilang buhay.


Disidido naman si Quirino Governor Dakila “Dax” Cua na dagdagan ang pondo ng naturang programa kung kinakailangan upang tuluyang makamit ang kapayapaan at katahimikan sa kanyang nasasakupan.

Dagdag dito, pinasalamatan ni Lieutenant Colonel Ali A. Alejo, pinuno ng 86th Infantry Battalion ang Gobernador at LGU Quirino sa pakikiisa sa naturang programa ng pamahalaan na layong matuldukan ang insurhensya sa bansa.

Facebook Comments