Pagpapalawig ng travel ban, iminungkahi ni Sen. Sotto

134

Iminungkahi ni Senate President Vicente Sotto III na palawigin pa ang travel ban sa bansa sa harap ng banta ng 2019 novel coronavirus o nCoV.

Ayon sa senador – dapat na i-ban ang lahat ng 18 bansa na may kumpirmadong kaso ng nCoV.


Giit ni Sotto, hindi na dapat hintaying lumala pa ang kaso ng nCoV sa bansa bago magpatupad ng extreme measures laban sa virus.

Una rito, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng temporary travel ban sa mga turistang manggagaling sa mainland China, Hong Kong at Macau.

Facebook Comments