Nagka-engkwentro ang mga sundalo at nasa sampung miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Bulo, Mulanay, Quezon kahapon.
Ayon kay Captain Jayrald Ternio, Tagapagsalita ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, nagtagal ng 25 minuto ang sagupaan.
Wala aniyang naitalang namatay o sugatan sa mga sundalo habang inaalam pa nila kung may casualties sa panig ng mga NPA.
Pagkatapos ng sagupaan, narekober ng mga sundalo ang tatlong M16 rifles, isang M203rd grenade launcher at isang AK47 rifle na naiwan ng NPA na kabilang sa Sub -Regional Military Area or SRMA 4B sa pamumuno ni alyas “Marvin”, ang grupo ng NPA na nagsasagawa ng terror activities sa lalawigan.
Sa ngayon, naglatag ng checkpoints ang pulisya at militar sa lalawigan ng Quezon para matunton ang mga nakatakas na NPA.
Sinabi ni Ternio na lahat ng mga available military assets ay nasa high alert.