NBI, hindi agad-agad maglalabas ng resulta ng imbestigasyon sa Dacera case

62

Hindi pa makakapagpalabas ang National Bureau of Investigation (NBI) ng resulta ng kanilang imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, sinisilip pa kasi ng NBI ang lahat ng ebidensya o basehan ng kanilang ilalabas na resulta.


Tiniyak naman ni Sec. Guevarra na bago pa man sumapit ang preliminary investigation ng Makati City Prosecutor’s Office ay makakapagsumite na ang NBI ng ulat sa kaso.

Agad din aniya itong ita-transmit ng Department of Justice (DOJ) sa piskalya.

Sa ngayon ay patuloy aniya ang DNA test ng NBI sa kaso ni Dacera.

Facebook Comments